Rurouni Kenshin, Ayus!

Makko’s adventures in: Calamba, Laguna

*****

Kanina, wala kami pasok, may show sa Umali Hall, kaya… naisipan kong manood ng sine! Solo flight na agad dumeretso sa SM Calamba! Waaa(huhu)!

Kung fan ka ‘nung anime, sigurado akong matagal mo na itong ina abangan. At ngayon, pinapalabas na ito sa SM cinemas, simula ‘nung December 5, nationwide! Heto schedules nila oh: (click to see Rurouni Kenshin schedules in SM cinemas).

***

Bago, ang lahat, alalahanin natin ang importansya ng pagiging handa tuwing mga panahon ng kalamidad. Kagaya nitong nagdaang bagyong Pablo.

***

.

Balik kay Kenshin! (minor spoilers lang)

Sa mga katulad kong lumaki sa kapapanood ng mga anime pagkatapos ng klase noong elementary at high school, masasaksihan ninyo dito sina Saito, Megumi, Yahiko, Kenshin, Sanosuke, Kaoru, at iba pa. Sa mga kalaban naman, si Udo (Jin-e) naman at si Kanryu (yung businessman na naghire kina Aoshi sa anime).

Kahit na hindi ka rin fan, alam ko ring kahit papaano eh, masisiyahan ka rin dito. Kagaya nung nanood ako, merong tatlong senior citizen na nanood! Ayos nga eh!

Dito sa mobee, ayos naman pagkakaportray sa kanila ah, kagaya ni:

Udo

Megumi:

Sanosuke:

Saito:

Kanryu

Sa mga iba, panoorin ninyo na lang! :p

.

Setting ng movie

Bale, nasa pre-Shishio Makoto arc yung kwento kaya may malaki pa ring espada si Sanosuke, atsaka hindi pa niya alam yung suntok na nagiging abo… yun ba tawag dun? Anyway, yun, at ito pa yung mga tagpo kung saan magkikita kita pa silang lahat sa Kamiya Kasshin dojo.

.

Fight scenes

Isa sigurong dahilan kung bakit ayaw ng ilan na maging live action ang isang manga or iba pang illustrated series ay dahil hindi na ganoon ka exciting mga fight scenes. Kumbaga, parang nakasanayan na sigurong mapanood yung mga nakakabilib at pilit ginagaya ang mga hiwa-an gamit ang espada, flying kick, at mga sound epeks na tugshing tugshing. At kapag nagagawa na ito sa realistic o live action, eh parang hindi na ‘ganun ka exciting.

Pero, para sa akin eh, napatugshing tugshing na lang ako! Oh yeah!

.

Ano pa ba?

Ayun, yun na lang siguro, panoorin ninyo na lang. Ah, kung nakasanayan ninyo na pala mga soundtrack ng anime na inawit ng mga bandang Larc en Ciel, The Yellow Monkey, o Judy and Mary na kumanta nung unang opening soundtrack sa anime na parang magulo lang yung una (Sobakasu title); hindi mo na sila maririning dito. Ako, parang doon ako nabitin eh. Anyway, para sa mga bagong audience ng Rurouni Kenshin, dito na ninyo makikita ang kwento ng isang samurai na bad-ass kung gumamit ng espada, pero ginagamit niya ito para mamuhay ng marangal at mapayapa.

Hinahanap ko rin soundtrack na ito sana pagkatapos, pero wala talaga, iba na yung kanta ‘nung credits:

Larc en Ciel – 4th Avenue Cafe

Hiten Mitsurugi ryu! 😀

Advertisements
Tagged , , , , , , , , , , , ,

comment comment comment!!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: