Mga Panaginip at Iba Pa! Awaw! :D

23-May-2012

I’m currently reading my first blog posts and well, it’s a cringe-inducing experience. Oh well… ๐Ÿ˜€

.

***

Kanina…

.

Natulog ako alas dyis ng umaga kanina. Nagising ako alas dose… Tas nagising ako, ang lungkot ng pakiramdam ko… Medyo… weird ng feeling. Tsaka, nananaginip ako pag natutulog ako sa gabi. Hindi pag araw… Pero kanina nanaginip ako… At dahil dun, nung nagising ako… (Nabasa niyo na.)

Medyo naiinterpret ko yung panaginip ko. Ahaha! Pero, ewan. ๐Ÿ˜€

Meron nung minsan, nanaginip ako. May mangyayaring masama, sa ganitong oras, ganitong sitwasyon. Yun napanaginipan ko. Pero ba’t ko naman hahayaang mangyari ‘yun? Ayoko nga! Ahaha! Kaya, ayoko ko talaga mangyari ‘yun. Dumating ang araw na yun, at syemps, dahil ayoko nga mangyari ang ganun, hindi nangyari! Kaya, sabi nga nila, “the choice is yours” eh. Kung hahayaan mong mangyari ang isang masamang bagay, mangyayari talaga. Pero kung gagawan mo ng paraan, masosolusyunan yan! Oh ha!? Hwaaaatah! ๐Ÿ˜‰

.

Ngayon…

.

Medyo, iba yung panaginip na yun. Parang nakalimutan ko na nga kung ano yung napanaginipan ko kanina eh. Ahaha! Hai…

Tapos, ang wrong timing talaga pag aayos nila ng kalsada. Hai! Powtek! ‘yung pagaayos nila, kumbaga, gusto mong isout ang isang t-shirt na dalawa lang ang butas! Ahaha! Oh, ‘di ba, apat butas ng t-shirt?

1

2

3

4

Yung lalabasan ng ulo, lalabasan ng dalawang kamay, ‘tas ‘yung pinakamalaking butas, kung ‘san mo isusuot ‘yung t-shert. ‘Pag tinahi mo ‘yung lalabasan ng dalawang kamay, parang kulang nalang eh, “nagsuot ka pa ng t-shert!” ‘Dba!? Hai, apow!

Parang ganun kasi ginawa nila dito sa amin eh. Dalawang kalsada lang naman lalabas sa Kennon Rd. ‘pag galing ka sa town kasi eh – Loakan Road tsaka ‘yung Kennon Road. Ngayon, sinara nila Loakan Road kasi sesementohin nila eh. Dahil dun, syempre, mga jeep na galing Kias, Loakan, etc. eh, dada an na sa Kennon (Camp 7) papuntang town kasi sarado na nga ‘yung kalsada sa Loakan eh! Eh, ‘pinagsabay pa pagbabakbak sa may Poliwes – Camp 7, kaya, ‘yun, trapik! Eh! Kaya mga jeep galing PMA, Balatoc, Loakan, Rosario, Camp 1, Camp 2, Camp 3, Camp 4, Camp … Wala, walang atang Camp 5, ‘di ko lam bakit, Camp 6, Camp 7, etc. etc. etc., ‘tas hindi lang pala mga jeep, pati taxi, motor, trak, damtrak…

Haiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!

‘Oh, bakit ako nagkakaganito…’

Carry lang, that’s life…

eh.

Advertisements
Tagged , , , , ,

comment comment comment!!!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: